Ako si Nova Fajutag Vertucio, isang mag-aaral sa Mindoro State University (MINSU) na kumukuha ng kursong Batsilyer Pangsekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino. Isinilang ako sa Laguna, Naujan, Oriental Mindoro at ako ang bunso sa labing dalawang magkakapatid. Ang aking pamilya ang naging inspirasyon ko upang tahakin ang kursong ito dahil naniniwala ako na makakapagtapos ako ng pag-aaral sa tulong nila.
Bilang bunso, natutunan ko ang halaga ng pagtutulungan at pagkakaisa sa aming pamilya. Mahilig akong sumali sa mga patimpalak lalong higit sa pagtakbo, na hindi lamang nagbibigay sa akin ng magandang pisikal na kalusugan kundi nagdadala rin sa akin ng saya at pagkakaibigan. Isa sa mga bagay na talagang kinagigiliwan ko ay ang magbasa ng iba't ibang aklat.
Sa aking pag-aaral, layunin kong maging guro na hindi lamang nagtuturo kundi nagiging inspirasyon sa aking mga estudyante, upang maipasa ang aking pagmamahal sa wika at kultura sa kanila. Nais kong ipakita na ang Filipino ay isang makulay at masiglang wika na dapat ipagmalaki.

