Friday, September 13, 2024

Ilalaban pa ba?

Ilalaban pa ba, kung puso'y nasasaktan,  

Ginawa ko ang lahat, pero 'di mo pansin,  

Sa bawat luha, ikaw pa rin ang dahilan,  

Pero bakit parang ako'y iniwan


Sugal ang lahat para sa'yo,  

Kahit na hirap, ay tuloy pa rin ako,  

Pero bakit parang nawawala,  

Ang pag-asa na tayo'y magkakasama


Pilit pa rin umaasa, kahit na malayo,  

Sana ay mahalin mo pa rin ako,  

Pero sa bawat tanong na binibitawan,  

Walang sagot, ako'y naiwan


Ilalaban pa ba, kung wala nang sagot?  

Puso ko'y pagod na, parang di mo na hanap,  

Hanggang kailan ba ako maghihintay?  

Kung ang pag-ibig mo'y wala nang patunay.

No comments:

Post a Comment