Wednesday, October 16, 2024

NASA HULI ANG PAGSISISI

isinulat ni Nova Vertucio

            Paulit ulit na pagkurap ngunit wala pa rin liwanag na maapuhap, sa dilim nakatunghay walang pagsidlan ang takot na nabubuhay sa kaniyang dibdib, ang mga kalabog ng puso’y hindi mapigil, mga bulong sa tainga’y patuloy at walang tigil.

            “Sige, ituloy mo!” Hawak ang patalim sa kaniyang kaliwang kamay at nakadiin. Mga sambit niya sa kanyang isipan. Hindi na niya kaya at kailangan ng tapusin. Ang mga problema’y patuloy na dumarating, walang solusyon, pakiramdam ay walang kapiling na kaniyang mapaglalabasan ng mga hinaing. Hindi na niya kaya. Ang kaniyang puso’y nabalot na ng kalungkutan, ang kaniyang isipan ay napuno ng kaalamang walang nagpapahalaga at walang nagmamahal.

                 Ayoko na! Panginoon, bakit ako pa? Bakit ako ang nakararanas ng ganito? Bakit ako sa dinami-rami ng tao sa mundo? Napakadaya, bakit ako? Bakit ang iba’y namumuhay sa karangyaan, samantalang ako’y naririto at lubog sa kahirapan. Hindi ko maunawaan kung bakit pa ako naririto at nabubuhay, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari at mangyayari pa sa aking buhay. Ito’y aking wawakasan na.

                Binuksan ko ang silid ng aking kapatid upang magdala ng almusal niya para sa agahan. Nabigla ako sa aking nakita at nailaglag ang dala kong pagkain. Agad akong tumakbo na umiiyak papalapit sa kaniya, duguan at walang buhay. Nakita ko ang puting papel sa may higaan niya at ito’y aking binasa.

                 “Ma, Pa, Ate, kung mabasa niyo man ito, patawad sa aking gagawin. Hindi ko na kaya pang mabuhay muli. Sapagkat malalala na ang sakit kong kanserk aya madalas akong ginagabi ng uwi at wala sa bahay. Nagtatrabaho ako para may maidagdag na panggastos at may maitustos sa pag-aaral ni Ate.

                    Kahit minsan nagtatampo ako sa inyo dahil si Ate na lang madalas ang nakikita niyong magaling at masipag mag-aral subalit di’ko nagawang magalit sa inyo. Kahit na hindi maganda ang turing niyo sa’kin bilang anak at kapatid hindi ako nagkaroon ng galit sa puso. Mahal na mahal ko kayo.”

                    Humagulhol ako pagkatapos kong mabasa iyon. Niyakap ako ng napakahigpit ni Mama at Papa na parehong lumuluha ang mga mata. ‘Di man lang namin natanong kung kumusta na siya. Mas pinupuna namin iyong mga mali sa paningin namin subalit nagkamali kami. Wala man lang siyang karamay nung panahong dinaramdam niya ang kaniyang sakit. Kaya nawalan siya ng pag-asang lumaban pa. Dapat hindi siya yung nagtatrabaho kundi ako datapwat huli na ang lahat wala na ang aking bunsong kapatid na kailanman ay hindi na babalik pa.

No comments:

Post a Comment